Basag Trip
Paano naman ang sariling katawang unti-unti kang tinataksil? Ang mas bata at mas masayang sarili na hindi pa pasan-pasan ang mga lumipas na taon? Ang kumplikadong partner na ‘di mo magawa-gawang iwanan? Sa dinami-dami ng hugis at anyo ng mga taong basag trip, hindi na siguro maipagkakailang bahagi na sila ng buhay. At bakit naman hindi? Ano nga ba ‘yong sikat na kasabihan? Easy come, easy go.
Malikot at malikhaing tinatahak at tinutuklas ng labing-isang manunulat sa koleksyong ito ang kompleksidad at realidad ng mga basag trip, ng mga relasyon natin sa mga taong palaging tumutunggali sa tingin nating tama, o marapat, o maganda.